SINILABAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang counterparts na law enforcement at military units ang mahigit P4 bilyon halaga ng iba’t ibang droga kasama ang marijuana sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ang mga ito ay mga ebidensiya na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng awtoridad.
Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 700 kilograms na nagkakahalaga ng P4,154, 802,996.83 bilyon na kinabibilangan ng 601, 447, 0994 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,089,840.92; 110,694,1323 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P13,283,295.88; 6,2800 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P33,284.00; 12,974.999 gramo ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P51,534,890.70; 32,5200 gramo ng Meth +Ephedrine na nagkakahalaga ng P111,218.40; 343,4410 gramo ng Codeine; 0.0200 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P6.91; 0.3500 gramo ng Phentermine na nagkakahalaga ng P25.03 at 177.500 milliliters na Liquid Marijuana.
Nabatid na ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga droga na may 1,000 degrees centigrade na init nito.
Ang pagsira sa mga iba’t-ibang droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.
Dinaluhan ang pagsunog sa mga droga ng mga representatives mula sa Department of Justice (DOJ); Department of Interior and Local Government (DILG); mga Local Officias mula sa Brgy Agudo, Trece Martires City, Philippine National Police (PNP) at iba pang Law Enforcement Agencies at non-government organization (NGO) at ilang mga mamahayag. EVELYN GARCIA/ VERLIN RUIZ