P4M SHABU NASABAT NG PULIS

QUEZON-NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng PDEU/PIU ng Quezon Police Provincial Office at Lucena PNP na pinamumunuan nila PMAJ Gailor Pagala at PLTCol Romulo Albasea ang nasa mahigit P4 milyon halaga ng shabu sa isang tulak na babae sa may Sto. Rosario Subd. Barangay 4 Lucena City.

Kinilala ni LTCol Albasea hepe ng Lucena PNP ang suspek na si alyas Neriza, 46-anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng pulisya.
Matapos makabili ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek ng isang plastic sache na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000 street value.

Kaagad itong dinakip ng mga pulis at nakuha pa sa posesyon nito ang iba pang mga droga na pawang nakalagay sa plastic sache at nagkakahalaga ng P4,182.000.000, mga paraphernalia, at marked money na ginamit ng pulis na buyer. BONG RIVERA

9 thoughts on “P4M SHABU NASABAT NG PULIS”

Comments are closed.