P5.024 TRILLION BUDGET LUSOT NA SA SENADO

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.

Sa botong 22-0-0, naipasa ang House Bill No. 10153 o 2022 General Appropriations Bill, ang huling budget sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate Finance Committee, na sentro ng naturang pondo ang pag-ahon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Binanggit pa nito ang kahalagahang iprayoridad ang pagpopondo sa sektor ng kalusugan, lalo na’t mayroong banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Inilaan sa naturang budget ang P230 bilyong pondo sa Department of Health (DOH). Mas mataas ito kumpara sa nakasaad na P182 bilyon sa pumasang General Appropriations Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.