NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Lunes ng hapon ang isang bag na puno ng undeclared Philippine currency mula sa pasahero papuntang Narita, Japan.
Ayon sa report, ang naturang bag ay naglalaman ng P5,195,000 milyon na pag-aari ng nagngangalang Shorsh Siniawi, isang Australian national.
Ayon kay Shorsh, ang nasabing pera ay napanalunan niya sa casino, ngunit agad ito inisyuhan ng Warrant of Seizure and forfeiture ng Bureau of Customs dahil sa paglabag ng Section 1113 of Customs Modernization Tariff Act, at alituntunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakasaad sa Customs Memorandum Circular 89-2022 at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1146 Series of 2022, kinakailangan humingi ng clearance o permit sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa malaking halaga bago ilabas sa Pilipinas.
At sa outgoing passengers hindi lalampas sa P50,000.00 o katumbas ng 10,000 US dollars foreign currency na kung lalampas sa nasabing halaga ay dapat kumuha ng clearance sa BSP.
FROILAN MORALLOS