NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang claimants ng 750 gramo ng shabu sa isinagawang entrapment operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang claimants na si Bryan Vincent Pagailon, naninirhan sa Victoria Valley Condominium Barangay De La Paz, Antipolo Rizal at kasama nito na taga San Juan City.
Ayon sa report ang nasabing mga droga ay tinatayang aabot sa P5.1 milyon na pinaniniwalaang mula sa Mexico at ipinadala ng isang nagngangalang Miguel Jacobo California kay Pagailon.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, dumating ang nasabing parcel nitong Mayo 30 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City kung saan idineklara ang mga ito bilang mga baterin, Musical at Dulces o kilala na set of toy drums.
Nadiskubre ang droga pagdaan sa X-ray scanning kung saan napinsan ng operator ng machines ang isang kahinahinalang images, kung kaya’t ipinadaan ito sa 100 percents examination.
At dito nakita ang 750 gramo ng shabu na itinago ssa loob ng toy drums na may halong candies.
Ang dalawang suspek ay sumasailalim ng custodial investigation dahil sa paglabag ng R.A. No. 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Sections 119 at 1401 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS