UMABOT sa kabuuang P5.12 billion na financial assistance ang ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa sports development ng national sports associations (NSAs) sa nakalipas na 10 taon.
Sa financial report ng PSC na inilabas sa media, ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang nanguna sa listahan ng regular Philippine Olympic Committee (POC) member NSAs na may pinakamalaking natanggap na financial aids mula sa PSC mula 2010 hanggang 2020 na may P274.3 million.
Pumangalawa ang Philippine Swimming Inc. na may PHP270.7 million.
Gayunman, sa dalawang magkasunod na taon (2018-2019), ang swimming ay nakakuha ng mas malaking financial assistance mula sa PSC kaysa athletics, kung saan noong 2019 lamang ay tumanggap ito ng P85.86 million.
Ang canoe-kayak ang pangatlo na may P215.19 million, kasunod ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na may P211.89 million, at taekwondo na may halos P208.52 million.
Sa hanay ng associate POC member NSAs, ang dancesport ang may pinakamalaking financial assistance na nasa P60 million.
Ang Philippine Sports Association for the Differently Abled naman ang nakakuha ng pinakamalaking financial assistance sa hanay ng recognized members na may mahigit sa P379.1 million.
Noong 2019, ang PSC ay nagpalabas ng kabuuang P1.198 billion financial assistance sa NSAs nang maging hosta ang bansa at magwagi ng overall championship sa 30th Southeast Asian Games. PNA
287739 56003Music began playing anytime I opened this website, so irritating! 968122