P5.27-B SHABU NAKUMPISKA

shabu

NAITALA NG Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang pinakamalaking bulto ng nasamsam na methamphetamine hydrochloride, o mas kilala sa tawag na “Shabu” sa unang quarter ng 2019 sa kasaysayan ng drug law enforcement.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino sa first quarter ng taong 2019, umaabot sa 776.06 kilos ng shabu na may halagang P5.27 billion ang kanilang nasamsam.

Nalagpasan nito ang pinagsamang 672.42 kilos ng  shabu na may halagang P4.58 billion mula sa first quarters ng  2009 hang-gang  2018.

Mas mataas ito ng 103.64 kilos at may katumbas na halagang  P704,752,000.

Pahayag pa ni Aquino ang malaking bulto ng droga na kanilang nakumpiska ay bunsod ng serye ng mga pagkakadiskubre at  pagsalakay sa mga imbakan ng droga sa Cavite, Muntinlupa at Manila kung saan umaabot sa 716 kilos ang nasamsam.

Sa nasabing datos na ibinahagi ni PDEA PIO chief USEC Derrick Carreon, umaabot sa 2,034 anti-drug operations ang kanilang isinagawa at nasa 2,818 drug personalities ang kanilang naaresto.  VERLIN RUIZ