P5.4 B ANTI-SUBMARINE HELICOPTERS PARATING NA

AgustaWestland

NAKATAKDANG tanggapin ng Philippine Navy (PN) ang unang dalawang anti-submarine helicopters, ang  AgustaWestland AW-109 “Wildcat” sa pagpasok ng bagong taon.

Ito ang inihayag ni PN flag-officer-in-command Vice Admiral Robert Empedrad sa ginanap na panayam nang dumalo ito sa ikatlong State of the Nationa Address ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ang AW-159s na nagkakahalaga ng P2.7 Billion bawat  isa ay magmumula sa Anglo-Italian aircraft manufacturer na AgustaWestland.

“Siguro sa March (2019) ang delivery,” ani Empedrad nang tanungin ito hinggil sa delivery dates ng dalawang anti submarine aircraft.

Nabatid na magsisilbing suporta ang mga nasabing chopper ng dalawang missile-armed frigates na kasalukuyang binubuo ngayon ng Hyundai Heavy Industries na nagkakahalaga naman ng P18 bilyon.

“Itong anti-submarine warfare (helicopters) will (help the frigates against submarine attacks) kasi yun submarine ang magpapalubog ng mga barko. So this will help in the defense of the frigates,” paliwanag ni Empedrad.

Nabatid na nakapaloob sa P5.4 billion kontrata ng dalawang anti-submarine helicopters ang ammunition, mission essential equipment, at integrated logistic support.

Ang AW-159 ay  improved version ng  Westland Super Lynx military helicopter.

Ang nasabing helicopter na inorder para sa  Royal Navy at  British Army ay may kakayahang lumipad sa bilis na  291 km/h (181 mph), may range na  777 km (483 miles), ferry range na  963 km (598 miles) at  endurance na  isa’t kalahating oras.

Ang  AW-159 ay kinabitan ng forward firing CRV7 rockets at machine guns, pintle mounted machine gun, Sea Skua missiles at Sting-Ray torpe-does at depth charges.    VERLIN RUIZ