MAGLALAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P5.5 billion na loans para sa small and medium entrepreneurs sa agricultural sector
Sa isang webinar ay sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sa lahat ng micro, small and medium enterprises sa bansa, 1 percent lamang ang bumubuo sa may kinalaman sa agriculture, forestry at fishing.
“With the country facing the COVID-19 pandemic and challenges in rice sufficiency, it was time to unlock the sector of agriculture, through agribusiness,” wika ni Dar, tinukoy ang kasalukuyang loan prog-rams na iniaalok sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Layunin ng Survival and Recovery Program o SURE AID na magkaloob ng emergency financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng mga kalamidad. Dahil sa COVID-19 pandemic, ang programa ay pinalawig upang magbigay ng tulong pinansiyal sa may 40,000 maliliit na magsasaka at mangingisda.
Sa ilalim ng programa, may “Ahon Lahat, Pagkain Sapat” (ALPAS), na naglalayong magkaloob ng cash assistance sa 150 hanggang 200 o higit pang micro and small enterprises, depende sa halaga ng kanilang uutangin.
Hanggang noong Abril, ang ACPC ay nakapagpalabas ng loans sa kabuuang 164,274 benepisyaryo.
Comments are closed.