NASABAT ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pakikipagtulungan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang aabot sa 5.5 milyong pisong halaga ng mga droga.
Ayon sa impormasyon mula kay BOC-NAIA District Collector Memil Talusan, ang mga nasabing droga ay kinabibilangan ng 1,490 tableta ng Ecstasy, 3,320 tablets ng Valium at 1,850 gramo ng Kush weeds o tinatawag na marijuana.
Ang P2.3-Million Ecstasy tablets ay nagmula pa sa bansang Germany at idineklara ng may-ari ng mga regalo, habang ang P2.9 Million Kush/marijuana na idineklarang mga tortilla chips ay nagmula pa sa USA.
Pahayag ng PDEA, ang mga consignee ng dalawang packages ay taga-Cavite, at ang marijuana ay pagmamay-ari naman ng ta-ga-San Juan, na naaresto habang kine-claim ang kanyang package.
Nadiskubre ni District Collector Talusan na ang Valium tablets ay ipadadala sa walong bansa kabilang na rito ang USA, Aus-tralia, Abu Dhabi, Germany, Saudi Arabia, France, Sweden, Spain at United Kingdom. Apat na shippers o nagpadala sa Valium ay mga taga-Parañaque City at Bulacan.
Ang mga naturang droga ay nasa kamay ng PDEA. FROI MORALLOS
Comments are closed.