TATANGGAP ng employment assistance ang mga manggagawa na naapektuhan ng sunog na tumupok sa Star City sa Pasay City, ayon sa Department of Labor and Employment.
“The labor department is making available P5.5 million in emergency employment assistance to about 500 workers of Star City,” wika ng DOLE.
Ang mga manggagawa ay tatanggap ng tulong sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Ayon sa DOLE, ang mga naapektuhang manggagawa ay may “no work, no pay” status, at mawawalan sila ng trabaho sa loob ng anim na buwan.
Tinatayang nasa P1 billion ang napinsala sa sunog sa Star City noong Miyerkoles.
Ang Star City ay maaaring hindi makapagbukas sa Pasko, kung saan dagsa ang mga tao, at tinatayang magbabalik ang operasyon nito sa October 2020.
Comments are closed.