NASA P5.6 bilyon na kabuuang halaga ang mapaghahati-hatian ng iba’t ibang local government units (LGUs) at magagamit bilang karagdagan nilang pondo, mula sa kanilang magiging ‘shares’ sa nakolekta ng national government sa paggamit ng ilang likas na yaman ng bansa.
“The new money is in the P4.1-trillion 2020 budget, and will be distributed to provinces, cities, municipalities and barangays where the economic utilization of resources such as energy reserves and mineral deposits is generating not only gainful employment, but also additional income for the national government,” wika ni Deputy Deputy Speaker at 2nd Dist. Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel hinggil sa nabanggit na pondo.
Ayon sa Surigao del Sur congressman, ang P5.6 bilyon ay mas mataas ng 75 porsiyento kumpara sa P3.2 billion na naging ‘shares’ ng mga lokal na pamahalaan ngayong taon.
Paliwanag ni Pimentel, base sa itinatakda ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, bukod sa Internal Revenue Allotment (IRA), ang local government units ay may 40 percent sa ‘annual gross earnings’ ng National Treasury mula nakolektang ‘mining taxes, royalties from mineral reservations, forestry charges, and fees and revenues collected from energy resources’.
Dagdag ng Deputy Speaker, isinasaad din sa nasabing batas na ang naturang pondo ay kinakailangang gamitin ng LGU para sa kanilang local development at livelihood projects.
“In the case of local governments that get their shares from the harvest of energy assets, they must use at least 80 percent of the money solely to reduce the cost of electricity in the communities that supplied the resources,” sabi pa ni Pimentel.
Tulad ng mga nakaraang pagkakataon, sinabi ng Mindanaoan lawmaker na ang mga rehiyon na marami ang nalikhang hydrothermal, geothermal at wind energy, gayundin ang naging malakas ang metallic mineral at coal mining activities, ang makakakuha ng malaking parte sa P5.6 bilyon na tinaguriang ‘national wealth fund’. ROMER R. BUTUYAN