P5.7 M SHABU ITINAGO SA MGA BUTONES NG DAMIT NASAMSAM

PAMPANGA-SA pakikipagtulungan ng anti drug agency ng gobyerno, nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang nasa P5.7 million halaga ng shabu na itinago sa loob ng mga butones ng damit.

Sa ulat na ipinarating kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio nagmula sa Harare, Zimbabwe ang isang kargamento na idineklara na mga damit .

Matapos na idaan sa K9 sniffing at x-ray scanning procedures ay pinasyang isalang sa physical examination ang kaduda dudang kargamento .

Dito tumambad ang nasa 838.6825 gramo ng shabu na nasa loob ng 255 butones ng mga damit pambabae bukod pa sa mga naka siksik sa gilid ng kahon.

Agad na kumuha ng samples at ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory analysis na kumumpirmang shabu ang nasabing white substance na nasa mga butones na kinokonsiderang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mabilis na naglabas si District Collector John Simon ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), and 1113 par. f, i & l (3 & 4) of R.A. No. 10863 in relation to Section 4 of R.A. No. 9165.

“With the enhanced measures that we are currently implementing, we will not let these illegal drugs enter our borders and reach the public,” galit na pahayag Rubio.

“The Bureau of Customs continues its commitment in curbing illegal drug smuggling, and we aim to prevent all attempts of illicit importations,” dagdag pa nito. VERLIN RUIZ