P5.7-M SHABU NASABAT SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS

UMANI ng papuri kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang dalawang anti narcotics operations sa Maynila kung saan nasabat ang kabuuang P5.7 milyong halaga ng shabu.

Sa impormasyon ng Manila Police District, aabot sa 835 gramo ng iligal na droga sa buy-bust operations sa San Miguel nitong Lunes at Martes sa Tondo.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director BGen Leo Francisco ang mga suspek na sina Nasfira Abdulla,67-anyos ng San Miguel, Maynila; Jonathan Balingit, 24-anyos; Esmelita Tumbagahan, 61-anyos; Renalyn Silverio, 40-anyos; Aldwin Castillo, 43-anyos at Anna Pitong na naaresto sa dalawang operasyon.

Sa buy bust operation na ikinasa sa 153 Marayag Street, Barangay 648 ay naaresto si Abdulla kung saan nakuha ang 16 transparent plastic sachets na naglalaman ng 735 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Sa kabilang dako, nasabat sa Tondo ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 kung saan naaresto ang iba pang drug suspects.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya. VERLIN RUIZ

136 thoughts on “P5.7-M SHABU NASABAT SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS”

  1. 32955 877506of course like your web-site nonetheless you need to have to check the spelling on quite several of your posts. A number of them are rife with spelling issues and I to discover it really bothersome to inform the reality however Ill surely come back once again. 557747

Comments are closed.