UMABOT na sa P5.756 billion ang pinsala sa imprastruktura ng pananalasa ng bagyong Rolly, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Karamihan sa pinsala ay naitala sa Bicol region kung saan unang nag-landfall si ‘Rolly’ noong Linggo ng umaga.
“As expected, our assessment teams identified that the majority of the destruction is in the Bicol Region, amounting to P4.621 billion,” wika ni Public Works and Highway Secretary Mark A. Villar.
Sa kabuuang halaga, P1.515 billion ang tinatayang pinsala sa mga kalsada, P458.2 million sa mga tulay, P2.036 billion sa flood-control structures, P367.25 million sa public buildings, at P1.379 billion sa iba pang imprastruktura.
Iniulat din ng DPWH Bicol Region ang mga saradong kalsada sa island province ng Catanduanes na unang na-isolate at hindi mapuntahan dahil sa province-wide power outage at kawalan ng telecommunication signal magmula nang mag-landfall si ‘Rolly’.
Ang mga hindi madaanang kalsada sa Catanduanes ay kinabibilangan ng ntermittent sections ng Catanduanes Circumferential Road sanhi ng landslides at mga nabuwal na puno, partikular sa kahabaan ng K0009+200 at K0009+500 sections sa Brgy. Balong-bong, Bato, K0029+500 at K0029+700 sections sa Brgy. Libod, Pandan, K0172+200 section sa Brgy. Putting Baybay, San Andres, at K0000+000 – K00009+200 section mula Brgy. Francia, Virac hanggang Brgy. Balongbong, Bato.
Sarado rin ang Jct. Bato – Baras Road at Baras – Gigmoto – Viga Road dahil sa mga bumagsak na poste ng koryente.
“DPWH quick response teams are fast-tracking clearing operations along the affected road sections in the island as we have no alternative routes as of the moment. These roads must be opened soonest for the relief efforts which Catanduanes badly needs right now,” sabi ni Villar.
Bukod sa tatlong kalsada sa Catanduanes, sarado rin ang limang kalsada sa Region 5, na kinabibilangan ng Tabaco Wharf Road 2, Ligao -Tabaco Road (S03651LZ) K0520+373 – K0520+723, Matacon Polangui Jct. Rd. section KO488+300- K0492+600 in Albay; Lagonoy-Caramoan Road K0530+300, RS, Ancolan, Presentacion, at Nabua- Balatan Road sa Camarines Sur.
May dalawa ring nananatiling saradong kalsada sa Cordillera Administrative Region at Central Luzon na kinabibilangan ng Apayao-Ilocos Norte Road, K0630+100 – K0630+130, Dibagat, Kabugao, Apayao at Nueva Ecija – Aurora Road Detour Road sa Diteki Bridge dahil sa mga bumagsak na poste, kawad, at iba pang debris.
Sa kasalukuyan ay may kabuuang 19 road sections na ang nalinis at binuksan ng DPWH quick response teams. PAUL ROLDAN, FROILAN MORALLOS
Comments are closed.