P5.768-T BUDGET INILABAS NG DBM

Erick Balane Finance Insider

SA pinakahuling estadistikang nakalap mula sa Department of Budget and Management (DBM), ang kabuuang budget na inilabas ng gobyerno para sa kasalukuyang taon ay umaabot sa P5.768 trilyon.

Mas mataas ito ng  9.5% kumpara sa nakaraang fiscal year 2023 General Appropriations Act at katumbas naman ng 21.8% ng GDP ng bansa.

Ang layunin ng budget na ito ay ang mapalakas ang kapangyarihan ng pagbili ng mga Pilipino, maibsan ang epekto ng pandemya at tiyakin ang matatag na pundasyon ng ekonomiya ng bansa.

Sa pagtutok sa Special Purpose Funds (SPFs), ang kabuuang halaga na inilaan para rito ay P185.610 bilyon, na katumbas ng 32.6% ng kabuuang budget. Ang SPFs ay may mga partikular na layunin, tulad ng mga sumusunod:

  1. Allocation to local Government Units (LGUs) o pondo para sa mga lokal na pamahalaan;
  2. Bugetary Support to Government Corporations (BSGC) o suporta para sa mga korporasyong pag-aari ng gobyerno;
  3. Contingent funds o pondo para sa mga hindi inaasahang pangyayari o kalamidad;
  4. Miscellaneous Personnel Benefits Funds ( MPBF) o pondo para sa mga benepisyo ng mga kawani ng gobyerno; at;
  5. National Disaster Risk Reductions o pondo para sa mga hakbang laban sa kalamidad.

Ang Automatic Appropriations naman ay pondo na awtomatikong inilalaan para sa mga partikular na layunin. Sa kasalukuyan, may P1.091 trilyon o 59.2% ng budget ang naipamahagi na para sa mga awtomatik na aproprasyon at ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. Debt Service o pondo para sa pagbabayad ng utang ng gobyerno;
  2. Personnel Service o pondo para sa mga sahod at benepisyo ng mga kawani ng gobyerno;
  3. Maintenance and Other Operations Expenses (MODE) o pondo para sa operasyon at iba pang gastusin ng mga ahensiya; at
  4. Capital Outlays o pondo para sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Ngayong fiscal year 2024, ang National Expenditures Program (NEP) ng Pilipinas ay naglalaman ng mga alokasyon para sa iba’t ibang sektor gaya ng mga sumusunid:

  1. Para sa Local Government Units ( LGUs), ang NTA ngayong taon ay P871.38 bilyon o 6.23% na mas mataas kumpara noong 2023;
  2. Para sa BARMN (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), ito ay may annual block grant na P70.5 bilyon;
  3. Pension ng mga former president at kanilang asawa – P8.1 bilyon;
  4. Life insurance premiums at retirement ng state workers – 12% ng kanilang basic monthly salary, habang ang mga employees ay 9%; at
  5. Alokasyon para sa iba’t ibang proyekto mula sa DBM. Ito ay naglaan ng foreign assisted funds sa Departmentsof Agriculture, Public Works and Highways at Social Welfare and Development.