P5-B BUDGET SA OFW DEPARTMENT

House Committee on Re-organization Chairman Mario Vittorio Marino

APRUB na sa House Committee on Appropriations ang inisyal na pondo na gagamitin para sa pagtatatag ng Department of Filipinos Overseas and Foreign Workers.

Ayon kay House Committee on Re-organization Chairman Mario Vittorio Marino, tinatayang P5 billion ang kakailanganing pondo para sa bagong departamento.

Huhugutin ang pondong ilalaan sa DFOFW mula sa kasalukuyang budget ng mga ahensiya na mapapasailalim na sa bagong departamento.

Kabilang dito ang Office of Migrant Workers Affairs, Commission on Filipino Overseas, Philippine Labor Offices, Internation-al Affairs Bureau, POEA at OWWA.

Muling binigyang-diin ni Marino ang kahalagahan ng paglikha sa naturang kagawaran.

Aniya, bukod sa hirap at abuso na nararanasan ng ilang OFWs, malaki rin ang kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Base sa tala, 10% ng GDP ng bansa ay mula sa remittance ng mga OFW. CONDE BATAC

Comments are closed.