HIHILING ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamahalaan ng dagdag na P5 billion para sa cash subsidy sa local at overseas workers na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na P4.2 billion lamang mula sa initial request ng ahensiya na P7.8 billion ang naipalabas kaya kinapos sila sa pondo.
“Some 1 million workers were identified to receive the aid. So far, P3.167 billion was distributed to about 633,000 workers,” ani Bello.
“One million na-process namin pero inabutan na ng shortage ng funds,” aniya.
Ang pondo ay para sa CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program ng ahensiya.
Habang humihingi pa ang DOLE ng dagdag na pondo, ang mga nag-apply ay ire-refer, aniya, sa P51 billion wage subsidy program ng Department of Finance (DOF).
Comments are closed.