P5-B INCOME TARGET NG MANILA CITY GOV’T

Manila Mayor Isko Moreno

TIWALA ang pamahalaang lungsod ng Maynila na kayang-kaya nitong makamtan ang target na P5 billion income para sa taong kasalukuyan kung ang bawat isa ay boluntar­yong tutulong at makikiisa.

Kaya naman ang panawagan ni Mayor Isko Moreno ay, “Please, participate and cooperate.”

Ang apela ay ginawa ng alkalde sa gitna ng pagsusumikap ng kanyang administrasyon na maibalik sa ayos ang lahat sa pamamagitan ng implementasyon ng mga basic regulation.

Hinihikayat ni Moreno ang publiko na bo­luntaryong tumulong at makiisa  upang mapagtagumpayan ang lahat ng hakbanging isinasagawa ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Moreno, ang tagumpay ng siyudad ay nakasalalay sa taumbayan.

“While we in the city government do everything to make the city and its people have a better future, the  least that you (Manilans) can do is participate,’ pahayag ni Moreno.

“If you see the government working, please participate and cooperate.  Allowed ka lang to do otherwise kung nakikita ninyong walang naggo-gobyerno o namamahala,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito ay ipinagmalaki ng alkalde ang tagumpay ng lungsod sa usapin ng ginagawang revenue collection ng mga departamento ng Manila City Hall.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng 110 porsiyentong pagtaas sa koleksiyon sa revenues kumpara noong nakaraang taon at ito ay sa loob lamang ng ilang buwan.

Ang target income na P5-B sa taong ito ay hindi malayong mangyari, ayon pa kay Moreno. VERLIN RUIZ

Comments are closed.