P5-B TULONG SA OFWs

Rep Mendoza

ITATAAS sa P5 billion ang pondo para sa assistance program sa distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang napagkasunduan sa ginawang pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Ayon sa chairman ng komite na si TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, mula sa P1 billion na panukalang pondo ay itinaas nila ito sa P5-B upang  iakma sa House Bill 5832 o ang An Act Creating a Department for Filipinos Overseas and Foreign Employment.

Tinitiyak dito na sakaling hindi maipasa ang panukala para sa pagbuo ng isang OFW department ay masisiguro pa rin na sapat ang pondo para mabigyang ayuda ang mga OFW.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na noong mga nakaraang taon ay sobra pa ang P1 billion assistance fund na nakapaloob sa General Appropriations Bill.

Pero bunsod ng mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng krisis sa Iran at coronavirus disease o CO­VID-19 ay makatutulong ang pagdaragdag ng pondo sa assistance program ng pamahalaan para sa mga OFW.           CONDE BATAC

Comments are closed.