P5 ‘DISINFECTION FEE’ HIRIT NG GRAB

Grab

SA HALIP na dagdag-pasahe ay P5 ‘disinfection fee’ per ride ang inihirit ng Grab Philippines sa muling pag-arangkada nila sa kalye.

Ayon kay Grab Philippines country head Brian Cu, ang  add-on ay para sa gastusin sa pag-sanitize sa mga sasakyan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“We haven’t made any request to raise rates, however, we made a request to explore having a disinfection payment fee…The disinfection kits and disinfection measures is an added cost to the drivers,” ani Cu.

“We made a proposal to LTFRB to raise the per trip cost per fixed amount to help cover these, however, there is no decision yet,” dagdag pa niya.

Inaasahan ng Grab ang matinding hambalos ng pandemya sa kita ng kanilang mga driver at para matulungan ang mga ito na mabilis na makabangon ay ibababa, aniya, ang komisyon sa 10 percent mula sa 20 percent.

May 20,000 drivers ang inaasahang magbabalik-pasada sa sandaling alisin ng transport authorities ang restrictions para sa ride-hailing services.

Sinabi pa ni Cu na hindi papayagan ang cash payments sa muling pagbiyahe ng Grab.

Comments are closed.