CEBU CITY-UMAABOT sa P5 milyong halaga ng ecstasy ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs Port of NAIA at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigang ito nitong Lunes.
Nabatid na ang idineklara ng consignee na package na naglalaman ng women’s clothes mula sa The Netherlands ay nadiskubre ng Customs examiners at enforcement group na naglalaman ng 2,984 pirasong ecstasy na may street value na P5,072,800.00.
Sa pakikipagtulungan ng Regional PDEA at NAIA -Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), nasakote ang claimant at isinailalim sa tactical interrogation bago kinasuhan ng paglabag RA9165 at RA10863 (Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Samantala, nananatiling aktibo ang BOC-NAIA sa pakikipagtulungan ng NAIA-IADITG at PDEA laban sa illegal drugs na tinangkang ipuslit ng sindikato na papasok ng bansa kung saan aabot na sa 31 drug-related busts ang nasabat noong 2019 habang 43 naman drug busts noong 2020 at 57 drug busts noong 2021. MHAR BASCO