P5-M SA WINASAK NA PANANIM NI KARDING

NUEVA ECIJA- NAGBIGAY si Senadora Imee Marcos ng P5 milyon para sa mga magsasakang napinsala ang mga pananim lalo na ang palay sa Gapan sa lalawigang ito.

Ayon kay Marcos, ang nasabing pondo kasama ang mga binhi ay ipamimigay ng Department of Agriculture sa mga apektadong magsasaka.

Sinabi ni Mayor Joy Pascual ng Gapan City, halos 90 porsiyento ng mga palay sa lungsod ay napinsala ng bagyong Karding.

Mainit na sinalubong ng mga taga-Gapan si Marcos nang magdala ng tulong pinansyal, nutribun at mga gulay sa mga nasalanta ng super typhoon.

Naghandog si Marcos ng tig- P5,000 sa isang libong benepisyaryo ng Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS) mula sa DSWD sa Gapan city.

Kabilang ang mga ito sa higit 2,600 mga residente na partially at totally damaged ang mga bahay dahil sa bagyo.

Nagpapasalamat kay Marcos ang mga taga-Nueva Ecija sa pangunguna nina Vice Gov. Anthony Umali at Gapan City Mayor Joy Pascual sa handog na tulong nito sa kanilang mga kababayang pinadapa ng bagyo.

Namigay din si Marcos ng mga nutribun, mga gulay at tig- P5,000 ayuda sa may isang libong residenteng napinsala ng bagyo San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Bukod dito, nagkaloob din si Marcos ng P5-M tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa bayan ng San Miguel. VICKY CERVALES