SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang cold storage facility sa Binondo, Manila na naglalaman ng mga puslit na agricultural products.
Ayon sa BOC na ilang araw silang nagsagawa ng surveilance sa lugar at nang makuha ang pagkakataon ay agad nilang nilusob ang nasabing lugar.
Tumambad sa kanila ang nagkakahalaga ng mahigit na P5 milyon na mga agricultural products na galing sa ibang bansa.
Nabatid na ibinebenta ang nasabing mga gulay at prutas sa murang halaga.
Nasakote ng mga awtoridad ang mga bantay ng cold storage facilities at hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sino ang tunay na may-ari ng nasabing cold storage facilities.
EVELYN GARCIA