P5-P7 FARE HIKE SA LRT

LRT

LIMAMPISO hanggang P7 ang hirit na dagdag sa pasahe ng ope­rator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) makalipas ang tatlong taon na huling fare hike nito.

Ito ang inihayag ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) Chief Executive Officer Juan Alfonso sa  isang  media briefing kahapon kasabay ng pagsasabing ang fare hike ay  “overdue,”  na da­hil ang huli pang pagpapatupad ng dagdag-pasahe ng LRT ay noon pang 2015.

Kapag  naaprubahan, ipapataw na ang dag­dag-pasahe sa buwan ng Agos­to sa taong ito.

Magiging kapalit naman umano  nito ay ang  patuloy na pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mananakay.

“Pahayag ng NEDA, ang inflation ay 4% above pero hindi pa tayo nagtataas ng pasahe  simula 2015. Tingin namin ay  very reasonable ngayon ang increase,” pahayag ni Alfonso.

Sinabi pa nito na gumugol ang LRMC  ng  P8 bilyon para sa system restoration at upgrading para masiguro  ang maayos na serbisyo ng  LRT1.

Base sa calculation ng LRMC, ang  reasonable fare increase  ay mula P5  hanggang  P7,  base sa layo ng biyahe ng mga pasahero.

Sa kasalukuyan,  ang pasahe sa LRT1 ay mula P15 hanggang  P30.

Kapag hindi naman naaprubahan, sinabi ni Alfonso na maaaring hu­miling ng subsidiya sa gobyerno ang LRMC.

Noong 2016, nag­harap ng petisyon ang LRMC para taasan ang  pasahe  ng  10% ngunit ito ay binimbin ng gob­yerno kaya ngayon ay  positibo si Alfonso na  ang hirit na dagdag singil  sa pasahe ay aaprubahan.

Ang LRMC  ay isang  joint venture company ng  Metro Pacific Investments Corporation’s Metro Pacific Light Rail Corporation (MPLRC), AC Infrastructure Holdings Corporation (AC Infra) ng Ayala Corporation, at  Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. (MIHPL) ng  Philip-pine Investment Alliance for Infrastructure.

3.5M COMMUTERS APEKTADO NG BANTANG JEEPNEY FARE HIKE

PINAG-AARALAN ng Land Transportation ang Franchising and Regulatory Board ang magi­ging epekto ng pagpapatupad ng dagdag-pasahe  sa jeepney sa pang-araw -araw na buhay ng may 3.5 milyong  commuters.

Ito ay kaugnay sa gagawing pagdinig at pag-apruba sa hinihiling ng mga jeepney driver at operator na dagdag pasahe bunsod na rin ng sunod sunod na pagtataas ng  pasahe at mataas na inflation rate sa bansa.

Nabatid na tinitingnan ng LTFRB na magpataw ng provisional order bilang tugon sa hiling ng mga operator na dagdagan ang pasahe sa mga pampasaherong jeepney bukod ito sa iginigiit na rush hour rate.

Nilinaw ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na hindi puwedeng aprubahan agad ng kanyang ahensiya ang piso hanggang dalawang piso na dagdag na hiling ng transport sectors sa pa­ngunguna ng grupong Pasang Masda mula sa  P8  na kasalukuyang minimum fare.

Bukod ito sa rush hour rate na isinusulong naman ng ibang transport group.

Ayon kay Lizada, kinikilala ng tanggapan ang pangangailangan ng mga drayber lalo na’t unti-unti na aniyang nararamdaman ng publiko ang epekto ng tax reform law, pati na ang mga oil price hike kamakailan.

Sa kasalukuyan, umiiral ang P8 na minimum fare para sa unang apat na kilometrong biyahe ng jeep, habang P1.50 naman ang dagdag sa para susunod na kada kilometro.

Habang ang rush hour rate naman ay hinihiling ang dagdag na piso kada apat na kilometro mula alas-5:00 ng umaga   hanggang alas-8:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Pipilitin umano ng LTFRB kasama ang National Economic Development Authority (NEDA)  na ma-fast track ang mga pagdinig at pag-aaral sa isyu  lalo na’t nakaraang administrasyon pa ang huling nagpatupad ng taas-pasahe sa  mga jeepney.     VERLIN RUIZ

4 thoughts on “P5-P7 FARE HIKE SA LRT”

  1. Good luck getting people behind this one. Though you make some VERY fascinating points, youre going to have to do more than bring up a few things that may be different than what weve already heard. What are trying to say here? What do you want us to think? It seems like you cant really get behind a unique thought. Anyway, thats just my opinion.

  2. There are certainly loads of particulars like that to take into consideration. That could be a nice point to bring up. I offer the ideas above as basic inspiration however clearly there are questions just like the one you convey up the place a very powerful factor might be working in honest good faith. I don?t know if best practices have emerged round issues like that, but I am sure that your job is clearly identified as a good game. Each girls and boys really feel the impression of only a moment’s pleasure, for the remainder of their lives.

  3. 964376 140830Intersting post and website. Very good that Google listed so i was able to get here. This site will go no in my bookmarks from now. 448623

Comments are closed.