P50-M HALAGA NG ISDA NADALE SA FISH KILL

fish-kill

BULACAN – Umaabot na sa 250 tonelada ng isda mula sa 150 hek­taryang palaisdaan ang namatay matapos ang fish kills sa bayan ng Obando.

Sa report ng Munici­pal Agriculture office, ang nabanggit na datos ay nagmula sa siyam na barangay na tinamaan ng fish kill.

Kabilang sa mga lu­gar na tinamaan ng pag­kalason ang Barangay Tawiran, San Pascual, Lawa, Paco, Binuangan, Salambao, Hulo, Pagasa at Paliwas.

Ayon kay Freddy Sta. Maria, Department head ng Agriculture Office, posibleng nakaapekto sa pagkalason ng mga iba’t ibang uri ng isda ang matinding init ng panahon at kawalan ng oxygen.

Karamihan sa mga nalason na isda ay bangus, tilapia, sapsap at iba pang uri ng isdang mula sa tubig alat.

Tinatayang aabot sa P30 hanggang P50 milyon ang nalugi sa mga mangingisda ng Obando.

Nilinaw naman ng opisyal na inisyal pa la­mang ang kanilang as­sessment dahil hindi pa nila napupuntahan ang iba pang lugar dahil sa kawalan ng tauhan na magsasagawa ng imbes­tigasyon sa nangyaring fishkills.

Samantala, nakahan­da namang magkaloob ng tulong ang BFAR Region-3 sa pamamagi­tan ng pagbibigay ng panibagong binhi at mga lambat. THONY ARCENAL

6 thoughts on “P50-M HALAGA NG ISDA NADALE SA FISH KILL”

  1. Hi there, You have performed a great job. I’ll certainly digg it and in my opinion recommend to my friends. I am sure they will be benefited from this web site.

Comments are closed.