P50-M IRIGASYON PAKIKINABANGAN NG COTABATO FARMERS

TINATAYANG aabot sa 199 magsasakang agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang makikinabang sa P50 milyong halaga ng irrirgation system upgrade sa Lamuyon Communal Irrigation System (LCIS) sa Sitio Lamuyon, Barangay Barangiran sa bayan ng Alamada sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Evangeline Bueno ng Department of Agrarian Reform (DAR), ang proyekto ay sasaklaw sa 105 ektarya ng palayan.

Upang maprotektahan ang nasabing palayan sa pinsala ng baha lalo na ngayong La Nina at sa pagpasok ng maulang panahon, sinabi ni Bueno na isinama na sa proyekto ang konstruksiyon ng stream check at 250-meter protection structure.

“This intervention on improving the irrigation system in Sitio Lamuyon is part of the ongoing efforts to fulfill one of DAR Secretary Conrado Estrella III’s nine primary goals on irrigation intervention,” sabi ni Bueno.

Paliwanag ni Bueno , ang pondo ng naturang proyekto ay magmumula sa Comprehensive Agrarian Reform Program(CARP) ng DAR.

Aniya, patuloy na makikipagtulungan ang DAR-Cotabato sa iba pang partner agencies nito tulad ng National Irrigation Administration(NIA), at sa lokal na pamahalaan ng Cotabato, at local government unit ng Alamada, at iba pang stakeholders upang maipatupad nang maayos at epektibo ang proyekto.

Nagpasalamat naman si Edna Señase, presidente ng Lamuyon Communal Irrigators Association, sa tulong na ito ng DAR.

“We are really glad for this big project given to us because this will surely enhance our agricultural productivity by ensuring reliable water supply,” sabi ni Señase. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA