UMAABOT sa P50 milyong halaga ng smuggled frozen products ang nakumpiska ng miyembro ng National Capital Region Police Office nang salakayin ang dalawang illegal cold storage facilities sa Tondo, Manila.
Ayon sa ulat ng NCRPO, inaresto ang 15 suspek sa kalagitnaan ng raid kabilang na ang isang Chinese national na itinuturong namamahala ng mga ilegal na operasyon sa pasilidad.
Ayon kay NCRPO Regional Director MGen.Edgar Allan Okubo, ilegal ang operasyon ng nasabing pasilidad at binigyan na sila ng letter of authority ng Bureau of Customs (BOC) upang salakayin ito.
Dagdag ni Okubo, hindi ligtas na makonsumo ng publiko ang mga produktong ito dahil sa hindi ito dumaan sa Food and Drugs Administration (FDA) at hindi rin ito nagbayad ng buwis sa pamahalaan.
Nakuha sa mga storage ang mga kahon-kahon ng mga prutas at gulay mula China, samantalang sa isa pang storage ay nakumpiskahan naman ng mga imported na karneng manok at baboy na nagmula rin sa China.
EVELYN GARCIA