P50-M SMUGGLED NA SIBUYAS NASABAT

MAY 18 container vans ng smuggled na red onions na nagkakahalagang P50 million ang hinarang ng Customs authorities sa isang spot check inspection nitong Nob. 8 at  9 sa Mindanao Container Terminal Sub-Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon sa Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro, ang containers ay dumating sa terminal noong Nob. 3 mula China sakay ng barkong MV NORDMAAS.

Isang spot check inspection ang isinagawa makaraang maghinala ang mga awtoridad na ang shipment ay naglalaman ng smuggled goods.

The shipment was declared as ‘acidified cream’, ‘smoked crawfish (rock lobster)’, ‘curdled cream milk’, ‘bread improver (non-dairy creamer’, “

‘flavored nuts (including pulp and jams’, ‘crustaceans’ at ‘breaded shrimp’, na kalaunan ay natuklasang naglalaman ng pulang sibuyas matapos ang physical examination.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na wala itong inisyung Sanitary Phytosanitary Import Clearance para sa naturang  shipment.

Kinumpirma rin ng BOC na ang accreditation ng importer ay non-existent na magmula pa noong November 2020.

Ang consignee ay mahaharap sa paglabag sa mga probisyon ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.