P500 CASH AT BIGAS SA 40K MIYEMBRO NG TODA

UMABOT sa 40,000 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) ang nakatanggap ng P500 cash assistance at tig-isang sakong bigas na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Paranaque nitong Disyembre 10.

Ang ipinamahaging ayuda ng lokal na pamahalaan ay bahagi ng “Pamaskong Handog” sa lahat ng residente sa lungsod.

Bukod sa ipinamahaging tig-isang sakong bigas at P500 cash sa mga miyembro ng dalawang nabanggit na asosasyon ay tumanggap din ang bawat asosasyon ng TODA at PODA ng 20 hanggang 30 sako ng bigas at P5,000 cash na maaari nilang gamitin para sa kanilang Christmas raffles.

Kinilala ng pamahalaang lungsod ang sakripisyo ng mga miyembro ng PODA at TODA sa kanilang ginampanang importanteng tungkulin sa panahon ng pananalasa ng pandemya na dulot ng COVID-19. MARIVIC FERNANDEZ