P500 COVID ALLOWANCE SA FRONTLINER COPS

BILANG insentibo sa pag-duty sa, panahon ng pandemya. makakatanggap ng P500 per day COVID hazard pay ang mga mga frontliner cops sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (MCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ang kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz.

Aniya, ang mga personnel na naka-deploy sa quarantine control points sa panahon na umiiral ang ECQ at MECQ ang siyang maaaring maka-avail sa COVID allowance, hindi sakop dito ang mga pulis na nagre-report sa mga opisina.

“Yung mga naka-duty lang during the implementation ng ECQ/MECQ ang puwede mag-avail kaya ‘yung mga personnel lang natin sa mga ECQ & MECQ areas ang puwede lang mag claim nito. Part ng collateral allowances ng PNP itong Covid Hazard Pay kaya pag mas mataas yung ibang collateral allowance na entitled ang isang PNP personnel, hindi na siya nag-cla-claim nito kasi nga nasa policy naming, one collateral allowance lang ang p’wede mo i-claim,” ani Vera Cruz.

Sinabi rin ng heneral na may mga PNP units na batay sa kanilang inisyatiba at donasyon mula sa private sector ang namamahagi ng food supplies, vitamins at supplements sa kanilang mga tauhan na nagmamando ng checkpoints.

Habang ang mga respective police unit naman ang siyang nag-iisyu ng Personal Protective Equipment (PPE) sa kanilang mga tauhan.

Nakatutok din ang PNP Health Service sa mga gamot na kakailangin ng mga personnel sa field sa kabila na limitado lamang ito. EUNICE CELARIO

3 thoughts on “P500 COVID ALLOWANCE SA FRONTLINER COPS”

Comments are closed.