P500-K PABUYA SA PUMATAY SA DALAGA

BULACAN-UPANG agad na madakip ang suspek na responsable sa pagpatay sa isang dalaga sa Guiguinto sa lalawigang ito, naglabas ng pabuya na P300K si Malolos City Mayor Christian Natividad.

Ayon sa alkalde, ayaw na nitong madagdagan pa ang pagkawala ng mga kababaihan sa lungsod at karatig bayan.

Kasunod nito, naglabas din ng pabuya si Guiguinto Mayor Agay Cruz ng halagang P200K para sa ulo ng suspek na pumatay kay Princess Dianne Dayor na una nang natagpuan kamakalawa ng hapon sa boundary ng brgy, Tabang at brgy, Tikay Malolos.

Bagaman pahirapan ang paghahanap sa suspek tiniyak ni Lt. Col. Ferdinand Germino na sisikapin ng law enforcement na makakakuha ng hustisya ang pamilya ni Dayor.

Samantala, tatlo pa na kababaihan mula sa Brgy, Bangkal, Malolos, Brgy,Tuktukan sa Guiguinto at Brgy, Iba O Este sa Calumpit ang kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad. THONY ARCENAL