(P500 lang ang puhunan) NEGOSYONG UNLI WINGS LUMAGO

MULA sa sipag, tiyaga at pagpupursige sa negosyo ay tuloy pa rin sa negosyong unli chicken wings ang negosyanteng si Edric Del Rosario dahil naitaguyod ang kanyang negosyo na nagsimula lamang sa P500 na puhunan at lumaki at naging Wings Food House.

Gumawa ng paraan si Edric Del Rosario, may-ari ng Wings Food House para tangkilikin ng mga food lovers ang kanyang best seller na chicken wings nang halos tamaan sila ng nararanasang pandemya.

wings2Iba’t ibang paraan at style sa pagluluto ang ginawa ni Edric. Nilagyan ng ibat ibang flavors ang kanyang chicken wings na mayroong garlic, buffalo, teriyaki, chili, salted egg, mango, cheese fried at iba pang style na kinagigiliwan ng mga customer a halagang P199 one to sawa na unlimited chicken wings at unli rice.

Pagbibida ni Edric na noong Pebrero 14, 2021 ay kumita sila ng P50,000 sa loob lamang ng isang araw at halos pila sa labas ng kanyang resto at tiniis daw noon ng nasa 50 hanggang 70 katao ang dalawa hanggang tatlong oras na paghihintay sa kanilang restaurant para makatikim ng kanilang best seller.

Dahil sa kanyang negosyo, nakapagpatayo na ng apat na bahay si Edric at nakabili na rin sila ng kotse at planong magtayo ng ibang branch para mas ma-accommodate ang mga customer na mahihilig sa chicken wings.

Patuloy na itataguyod ng bidang si Edric ang pagpapalaki ng kanilang negosyo at patuloy na lalaban sa hirap ng buhay para sa pamilya. VICK TANES

4 thoughts on “(P500 lang ang puhunan) NEGOSYONG UNLI WINGS LUMAGO”

Comments are closed.