P500-M FAKE CIGARETTE AT BIR TAX STAMP NI-RAID SA BULACAN

Customs Commissioner Isidro Lapeña

BULACAN-HALOS ina­bandona ng mga umuupa na Tsino ang tatlong warehouse sa Platinum Avenue, Muralla industrial Park, Brgy. Perez sa Meycauayan City kaya hindi na sila naabutan ng mga sumalakay na awtoridad.

Sa ulat, dakong alas- 2:30 ng hapon nang dumating si Customs Commissioner Isidro La­peña, kasama ang ilang mga opisyal ng kagawaran.

Nabatid na ang natu­rang mga warehouse ay pag-aari ng isang Jackson Estrada  Sta. Rita.

Nakita sa loob ng warehouse ang iba’t ibang uri ng pekeng sigarilyo at kahong-kahong pekeng BIR tax stamp.

Maituturing na peke ang mga produkto dahil sa kawalan ng bar code ng tax stamps, at ang kawalan ng amoy ng stick ng sigarilyo.

Ayon kay Lapeña, tinatayang aabot sa P500 milyong ang halaga ng mga natagpuan na kontrabando.

Habang nakita naman sa ikalawang bodega ang iba pang gamit sa paggawa ng sigarilyo. Bukod dito, posibleng nagluluto rin ng ilegal na droga dahil na rin sa iba’t ibang stainless at aluminum na lutuan.

Samantala, magsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa pagkakaki­lanlan ng nagmamay-ari ng mga kontrabando. T. ARCENAL

Comments are closed.