PUMALO na sa mahigit P500 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng pananalasa ng Bagyong Ursula.
Batay sa typhoon monitoring bulletin ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, kabuuang P571.58 milyon ang nawasak at kabilang sa mga naapektuhan ay ang 43,443 magsasaka at mangingisda mula sa mahigit 4,600 ektarya ng palayan, maisan, taniman ng kamote at niyog.
Habang umabot naman sa P569-M ang halaga ng pinsala sa mga palaisdaan.
Ayon sa DA, partikular na nawasak at nagtamo ng pinsala ang mga fishpond ng tilapia, fishcages, fish-pens, seaweeds, mga bangkang de motor gayundin ang mga non-motorized bancas, balsa at boundary marker.
Iniulat ng regional office ng DA na ang mga naapektuhang magsasaka ay mula sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), at Western, Central and Eastern Visayas.
Comments are closed.