P500-M PARA SA ANTI-RABIES CAMPAIGN

ANTI-RABIES

AABOT sa P500-M ang pondong matatanggap ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng National Rabies Prevention and Control Program nito sa susunod na taon, base sa nilalaman ng P4.1 trilyon na 2020 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso kama­kailan.

Ito ang ipinabatid na House Committee on Health Vice-Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor kasabay na rin sa pagdiriwang ng World Rabies Day kahapon.

“The National Rabies Prevention and Control Program is getting P500 million in fresh funding next year.The extra funding for the program is meant to enable the country to finally eradicate rabies,” ang pahayag pa ng vice-chairman ng health committee ng Kamara.

Ayon kay Defensor, target ng DOH na matuldukan na ang insidente nang pagkamatay bunsod ng rabies sa bansa sa susunod na taon at maideklara ring “rabies-free” ang Filipinas pagsapit naman ng year 2022.

Base sa datos ng health department, noong nakaraang taon ay umabot na sa 62 na mga lugar sa bansa ang tinakoy bilang ‘rabies-free areas’, na tumaas kum­para noong 2017 kung saan nasa 49 lang ang bilang.

Dagdag pa ng natu­rang kagawaran, bagama’t hindi itinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao, ang rabies ay nagrere-sulta pa rin sa pagkasawi ng nasa 300 Filipino kada taon.

Paalala ni Defensor, hindi lamang ang DOH ang siyang dapat na nakatutok sa anti-rabies campaign dahil sa ilalim ng Republic Act 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007, ay mayroong ding obligasyon o papel na dapat gamapanan sa naturang kampanya ang mga lokal na pamahalaan at maging ang pet owners.

“Local governments are duty-bound under the law to conduct periodic mass vaccinations of dogs, establish databases for registered and inoculated dogs, control homeless and unvaccinated dogs and conduct public information drives to prevent and control rabies,” giit ng kong­resista.

“Pet owners are required to have their dogs regularly vaccinated against rabies, submit their dogs for mandatory registration, maintain control over their dogs at all times, report dog biting incidents inside 24 hours and assist dog bite victims,” dugtong pa niya.

Sinabi ni Defensor na bagama’t “100 percent fatal’ o nakamamatay ang rabies, ito naman ay “100 percent preventable” din sa pamamagitan nang pagpapabakuna sa mga alagang aso gayundin ang agarang pagpapaturok ng anti-rabies vaccine ng mga taong nakagat ng aso. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.