P500-M SMUGGLED AGRI PRODUCTS NAKUMPISKA

MAY kabuuang P500 million na halaga ng smuggled agricultural products ang nakumpiska ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Assistant Secretary James Layug, limang indibidwal ang sangkot sa ilegal na pagpasok ng agricultural products.

“Ang running total natin is P500 million worth of agricultural products ang nasi-seize natin and at the same time, meron tayong around five consignees na pa-filan ng kaso under Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act,” sabi ni Layug.

Aniya, nakatakda siyang makipagpulong kay Justice Secretary Boying Remulla para sa legal na aspeto ng pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa smuggling ng agri products.

“We are coordinating with Justice Secretary Remulla para i-address ‘yung legal aspect para habulin ‘yung mga identified. We still have to work within the law and with all legal means that we have right now in order to go after them,” sabi pa niya.

Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng mga suspect habang hindi pa nasasampahab ng kaso ang mga ito.