BUKOD sa pagsusulong ng trabaho para sa mga senior citizen sa Maynila ay bumabalangkas na rin ang pamahalaang lungsod ng imple-menting rules and regulations para sa pagkakaloob ng buwanang pensiyon sa mga matatanda.
Sa ilalim ng Senior Citizens Social Pension ng city government ay pagkakalooban ng P500 buwanang pensiyon ang mga kuwalipikadong mata-tanda.
Ayon kay Manila acting Mayor Honey Lacuna, sinimulan nang ilatag ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang mga panuntunan para sa Senior Citizen Social Pension, isa sa mga pangunahing programa ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Sa pahayag ng Manila Public Information Office, sa ilalim ng Ordinance No. 8565, kabilang sa mga requirement para maging kuwalipikadong tu-manggap ng P500 kada buwan na pension ay dapat 60 taong gulang at pataas, lehitimong residente ng Maynila, rehistradong botante sa lungsod at ka-bilang sa master list ng Office of Senior Citizen Affairs.
Kamakailan ay nilagdaan ni Moreno ang City Ordinance No. 8564 at Ordinance No. 8565 na nagkakaloob ng monthly allowance na P500 sa Grade 12 students ng Manila public schools, solo parents, PWDs at senior citizens sa Bulwagang Katipunan, Manila City Hall.
Ani Moreno, bahagi ito ng kanilang social amelioration stimulus package.
Una rito ay isinulong ni Moreno ang programa na magkakaloob ng oportunidad sa mga senior citizen na makapagtrabaho sa mga business estab-lishment sa Maynila.
“If Americans can do it, if Singaporeans can do it, if Japanese can do it, why not Manileños?”
Nilagdaan kamakailan ng pamahalaang lokal ng Maynila at ng fast-food giant Jollibee Foods Corp. (JFC) ang isang memorandum of agreement na magkakaloob ng trabaho sa matatanda at persons with disabilities (PWDs).
Sa ilalim ng kasunduan, bubuksan ng JFC ang pasilidad nito para i-accommodate ang mga kuwalipikadong matatanda at may kapansanan para sa temporary employment.
Kaugnay nito ay pinakiusapan ng alkalde ang mga matatanda at PWD na pagbutihin ang kanilang trabaho para hindi mapahiya ang siyudad ng Maynila
Ani Domagoso, maraming senior citizens ang nagnanais pa ring magtrabaho kahit retirado na upang manatiling produktibong miyembro ng lipunan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.