P502.2-M MARIJUANA SINUNOG

CORDILLERA REGION-UMABOT sa P502.2 milyong halaga ng marijuana plants at cannabis products ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang 10-araw na anti-illegal operations sa ilalim ng Oplan Herodotus 2 sa kabundukan ng Benguet at Kalinga noong Sabado.

Nabatid na ang marijuana eradication operation sa kabundukan ng Luzon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR); Police Regional Office 2 (PRO2); ONP Drug Enforcement Group (PDEG); PDEA-CAR, NBI-Region 2, Phil. Army, Phil. Navy, PAF at ng Phil. Coast Guard.

Sa ulat ni PROCOR Regional Director BGen. Ronald Oliver Lee, umaabot naman sa 70 plantation sites sa Benguet ang magkakasunod na sinalakay kung saan aabot sa P59, 395.00 ha­laga ng marijuana plants at iba pang ilkegal drug ang winasak habang aabot naman sa P427, 949, 920.00 na marijuana plants at cannabis pro­ducts ang sinilaban sa kabundukan ng Kalinga.

Inanunsyo naman ng PNP ang pagkakaaresto sa cultivator ng marijuana plants sa Mt. Bitullayungan sa Tinglayan, Kalinga na kinilalang sina Peter Bagtang, 22-anyos; La­ngao Bagtang, 70-anyos; at ang 17-anyos na totoy.

Samantala, sa itinayong checkpoint sa liblib na bayan ng Lubuagan, Kalinga ay nasakote naman ang mga suspek na sina Aldren Paul Cabanes Pacion 27-anyos at Jaymor Sacatani Eusebio, 31-anyos kung saan nagtangkang ipuslit ang P13, 560, 000.00 halaga na marijuana bricks at nasa tubular form.

Maging sa PNP checkpoint sa Tabuk City ay nasabat naman ang mga suspek na sina Limuel Legaspi Alarde, 21-anyos at Ralf King Gaffud Prado, 18-anyos sa tangkang pagpupuslit ng P1,213,920.00 marijuana bricks at tubular form. MARIO BASCO