PINANGUNAHAN ni Cavite Provincial Director Col. Dwight E. Alegre, kasama ang kanyang mga command staff at provincial staff officers ang pagwasak sa mga nakumpiskang illegal na paputok na ginanap sa covered court sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite nitong Lunes ng umaga. Kuha ni MHAR BASCO
CAVITE – UMAABOT sa P503K halaga ng illegal firecrackers at boga na nasamsam sa isinagawang police operation mula sa 8 lungsod at 15 munisipalidad ang winasak sa covered court ng Camp Pantaleon Garcia sa Imus City kamakalawa ng umaga.
Pinangunahan ni acting Cavite Provincial Director Col. Dwight E. Alegre kasama ang kanyang mga command staff at provincial staff officer ang pagwasak ng mga illegal na paputoksa pamamagitan ng paglubog sa 4 na drum ng tubig upang hindi na magamit ang mga nakumpiskang illegal na firecrackers.
Katuwang din ni Col. Alegre sa ginanap na destruction ng illegal firecrackers ay ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection at mga representatives ng local government unit kung saan ang pinadelikadong paputok na “Boga” ay pinasagasaan sa truck ng Bureau of Fire Protection sa gilid mismo ng covered court ng nasabing kampo.
Kabilang sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ng Cavite na inilatag ang police operation laban sa mga illegal na firecrackers at boga ay ang Cavite City, Carmona City, Imus City, Bacoor City, Dasmariñas City, General Trias City, Trece Martires City, at Tagaytay City habang isinunod naman ang police operation sa mga bayan ng Alfonso, Amadeo, Ternate, Indang, Kawit, Magallanes, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, GMA, Mendez, Naic, Noveleta, Rosario, Silang at Tanza.
Ang nasabing police operation na inilatag na provincewide ay base sa implementation ng “Ligtas Paskuhan 2024” na nagresulta sa magkakakumpiska ng iba’t ibang illegal firecrackers tulad ng whistle bomb. baby rocket, piccolo, luces glowing wire, kwitis, sawa, sinturon ni Judas, five stars, crying cow, baby rockets, triangulo at fountains na nagkakahalaga ng P503, 853.00 kung saan aabot din sa 918 pirasong BOGA na kinahiligan ng mga menor-de-edad ay kinumpiska na rin.
“Imparted empathy for the loss of business capital among the sellers of the seized firecrackers but, however, insisted the safety of the public should always be prioritized. The campaign against selling illegal firecrackers and pyrotechnics has been the PNP’s public safety campaign every year and shall still be sustained for the coming years. ” mensahe ni Col. Alegre sa publiko partikular sa mga negosyante ng illegal na paputok.
Samantala, ang penalty sa paglabag sa Executive Order No. 28 (Providing for the regulation and control of the use of firecrackers and other pyrotechnic devices) at Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ay pagmumultahin ng P20K hanggang P30K, 6-buwang pagkakulong hanggang isang taon, cancellation of license at business permit at confiscation of inventory stocks.
MHAR BASCO