BILANG pagsuporta sa mga senior citizen, pinagkalooban ng P50,000 cash incentive bawat isa mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang 12 centenarian na residente ng siyudad.
Ang nasabing insentibo ay personal na ibinigay ni Mayor Rex Gatchalian sa bawat centenarian kasabay ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.
Nabatid na ang pagbibigay ng cash incentives sa mga Valenzuelano centenarians ay alinsunod sa ipinasang Ordinance No. 300, Series of 2016, o ang Centenarian Ordinance ng Valenzuela City.
At inamiyendahan ito sa ilalim ng Ordinance No. 652, Series of 2020 na kung saan ay tinaasan ang cash incentives ng P50,000 mula sa P20,000 para sa bawat centenarian.
Sa nasabing 12 centenarian, mayroong pitong 100 taong gulang, tatlo naman ay 101 taong gulang at ang dalawa ay102 taong gulang na mula sa iba`t-ibang mga barangay ng Lungsod.
Bukod sa pagbibigay ng cash incentives, nagkakaloob din ang lokal na pamahalaan ng mga benepisyo sa lahat ng mga senior citizen sa pamamagitan ng OSCA para sa taunang tradisyon ng Pasko Sa Hulyo Para Kay Lolo at Lola at ngayong taon ay mga Food Packs Para Kay Lolo at Lola, kung saan humigit kumulang 57,000 seniors ang nakatanggap.
At ngayong Disyembre, mayroon ding Handog Pamasko Para Kay Lolo sa Lola 2020 . EVELYN GARCIA
Comments are closed.