P50K MULTA SA DI BAKUNADO

DAHIL sa pagsisimula ng pagpapatupad ng Alert Level 3 nitong Lunes, nagkaisa ang mga alkalde sa Kalahang Maynila na limitahan muna ang galaw ng mga taong hindi pa bakunado laban sa COVID-19 at pagmumultahin ng hanggang P50,000 at isang buwang pagkakulong ang mga violator.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, na dapat manatili muna sa bahay ang mga unvaccinated, kabilang ang mga menor de edad.

Pwede naman umano silang lumabas ng mga bahay para sa essential trips tulad ng pagbili ng mga pagkain.

Sabi ng MMDA, magpapatupad ng paghihigpit ng panuntunan sa mga establisimyento.

Aniya,dapat ipakita ang vaccination card at isa pang ID bago papasukin ang isang tao sa mga restaurant, mall at iba pang establisimyento

Iniobliga namang magpa-RT-PCR test ang mga manggagawang hindi bakunado kada 2 linggo at sarili nilang gastos ito.

Maghihigpit din ang mga local government unit sa mga karinderya, na kailangan na ring manghingi ng vaccination card sa kanilang mga kostumer.

Sabi ng MMDA, ang mga lalabag sa mga patakaran ay pagmumultahin ng hanggang P50,000 at mahaharap sa 1 buwang pagkakakulong.

Nabatid, na hanggang ika-15 ng Enero ang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila bunsod ng pag-akyat ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang araw. Liza soriano