P51-M SHABU NASAMSAM SA JOINT BUY BUST OPERATION

CEBU – TINATA­YANG aabot sa P51 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa lalawigang ito.

Nadakip din ang isang high value target sa inilatag na buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team, PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit,  PNP Regional Police Drug Enforcement Unit 7 (lead unit) at Cebu City Police Office Station 11 sa  Natalio B. Bacalso Avenue, Barangay Maambaling, Cebu City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio M. Lazo ang nadakip na high value target na alias Jotex, 54-anyos ,

Nakuha sa pag-iingat nito ang walong pakete ng shabu na tumi­timbang ng  7.5 kilos at may  estimated average market value na aabot sa  P51 million, buy-bust money, and other non-drug evidence.

Agad na ipinasa sa PDEA RO 7 Regional Office Laboratory ang mga nakumpiskang droga para sa  chemical analysis and proper disposition.

Habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of RA 9165 laban sa  suspect.

VERLIN RUIZ