PINONDOHAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), ang P52 million farm-to-market road projects sa Southern Leyte sa layuning maiangat ang pamumuhay ng mga residente sa lugar.
Ayon sa DPWH, ang proyekto ay kinabibilangan ng siyam na road improvement projects sa Maasin City at sa bayan ng Malitbog para matulungan ang mga lokal na magsasaka sa paghahatid ng kanilang mga produkto sa malapit na mga pamilihang bayan.
May P8 million ang inilaan sa 14 villages sa Maasin, kasama na rito ang San Jose papuntang Gawisan Road, at P5 million naman sa bawat barangay sa Tawid Road, Matinao papuntang Cansirung Road, Tomoy-Tomoy Road, Nonok Norte, San Agustin Road, Bactul I at Bactul II.
Samantala, naglaan din ang pamahalaan ng P5 million sa bawat barangay sa Nati, Bato I Road, Pinaskuhan, Hinapo at Gamay Road.
Maging ang tatlong barangay sa San Vicente, Pancil at Aurora sa bayan ng Malitbog ay pinondohan din ng DPWH ng tig-P5 million upang maging maayos ang kanilang mga daan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.