MAGAGAMIT na ng mga cancer patient ang inaprubahang pondo para sa nasabing sakit na nagkakahalaga ng P529.2 milyon.
Ito ay kasunod ng paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) ng kanilang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2022 – 0002 para sa Implementing Guidelines sa Use of Cancer Assistance Fund (CAF).
Ang probisyon ng P529.2 milyon ay mula ay nakasalig sa Special Provisions (SP) No. 13 ng DOH budget sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA), na humihingi ng paglalabas ng pinagsamang circular ng DOH at DBM bilang pre-requisite para sa paggamit ng pondo.
Ito ay sa ilalim ng Republic Act No. 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act, na humihiling na magbigay ng integrated and holistic support para sa cancer treatment and management.
“Malaking tulong po para sa ating mga kababayan itong nakalaang pondo for cancer assistance na maaari na pong magamit sa mga DOH hospital access sites at iba pang health facilities sa bansa. We hope that it will ease the burden of many cancer patients, as we know that cancer is one of the leading causes of morbidity and mortality amongst Filipinos,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Layunin ng CAF na dagdagan at sustentuhan ang kasalukuyang financial support mechanisms para lamang sa cancer patients, persons living with cancer, at cancer survivors.
Sa ilalim ng JMC na ini-release noong Setyembre 28, 2022, ang CAF ay magpopondo sa outpatient at inpatient cancer control services, subalit limitado sa diagnostics, therapeutic procedures, at iba pang cancer medicines na kailangan para sa treatment at management ng cancer at sa care-related components.
Ang pondo ay maaaring magamit hanggang Disyembre 31, 2023 bilang adoption ng cash-based budgeting system at maaarig magamit para sa general and special provisions sa ilalim ng FY 2022 GAA at iba pang kasalukuyang budgetary guidelines na inilabas ng DBM.
Epektibo ang JMC 15 araw makaraang mailathala sa general publication sa Official Gazette o sa mga diaryo ng may general circulation.EVELYN QUIROZ