P53.1-M AGRI DAMAGE NI ‘EGAY’

bagyong Ulysses

TINATAYANG nasa P53.1 million ang halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura hanggang kahapon, ayon sa Department of Agriculture (DA) showed.

Sa report ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng DA, hanggang tanghali kahapon, nasa 2,303 magsasaka ang naapektuhan ni ‘Egay’, na nagtala ng production loss na 1,871 metric tons (MT).

Ang pinakamalaking pinsala ay naitala sa mais, na may 1,176 hectares na naapektuhan. Katumbas ito ng volume loss na 1,837 MT, na katumbas ng P31.1 million na pagkalugi.

Sumunod ang bigas na may P20.8 million at livestock and poultry na may P1.2 million.

Ayon sa DA, nakahanda nang ipamahagi ang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang bigas, mais, assorted vegetable seeds, drugs at biologics para sa livestock at poultry, at fingerling.

Ang mga apektado ay maaari ring maka-avail ng hanggang P25,000 na loans sa pamamagitan ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council. Available din ang quick-response fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.