PORMAL nang sinampahan ng kasong paglabag ng RA 9165 ng conprehensive dangerous drug act of 2002 sa piskalya ang dalawang lalaki na sinasabing bigtime drug pusher matapos silang malambat sa ikinasang joint anti narcotics operation kamakalawa sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa ulat na isinumite kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanue ni PDEA Intelligence Investigation Service Director Andrian Alvarino, kinilala ang mga nadakip na sina Mike Abac y Bautista ‘aka ‘Mike, binata , 32-anyos , negosyante ng 8320 Guadalupe Nuevo, Makati City at Edison de Guzman y Bolos ‘alyas ‘ Eson, binata, 37-anyos, cook at naninirahan sa: 1920 Guadalupe Nuevo, Makati City
Ang dalawa ay naaresto ng pinagsanib puwersa ng mga PDEA SES, PDEA IIS, AFP Team ISAFP SIF at Task Force NOAH, NICA at PNP DEG sa isinagawang drug operation sa nasabing lungsod.
Dito nasamsam ang 77.5 kilos ng shabu na tinatayang aabot sa P534,750,000.00 ang street values bukod pa sa ibat ibang drug paraphernalias.
Sa impormasyong ibinahagi ni Director Derick Carreon, PDEA Public Information Office chief at taga pagsalita ng ahensiya , isang buy bust operation ang ikinasa laban sa mga drug personalities bandang ala-6 kamakalawa ng hapon sa Rm#3528, 35 Flr., TOWER 3, Light Residences, Mandaluyong City. VERLIN RUIZ / ELMA MORALES