P540-B CASH ADVANCE SA GOV’T IPINAGKALOOB NG BSP

BSP-2

NAGKALOOB ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng panibagong P540-billion cash advance sa national government noong nakaraang Disyembre para makatulong na mapalakas ang cash flows.

Sa isang online briefing kahapon, sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na inaprubahan ng policy-making Monetary Board (MB) ng central bank noong Disyembre 28 ang bagong cash boost, na tinawag niyang ‘bridge financing’, para makatulong sa pagpondo sa pandemic-related expenses ng pamahalaan.

“The national government needs it,” ani Diokno, tinukoy ang  kahingian para magkaloob ng subsidiya sa mga apektadong indibidwal at sektor, matiyak na nasa ayos ang medical facilities, at may pondo para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Diokno, kailangan ding mapalakas ang fiscal health ng gobyerno dahil apektado rin ng pandemya ang revenues.

“In the meantime that they do not have the access and the cash to pay for COVID-related programs, then we lent them PHP540 billion. That is allowed under the law,” sabi ni Diokno, at binanggit na ang ayuda ay walang interest.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagkaloob ang central bank ng P540-billion provisional advance sa national government.   Ang una ay inaprubahan ng Monetary Board noong Oktubre ng nakaraang taon.         PNA

Comments are closed.