P540-B PA UUTANGIN NG GOV’T (Sa BSP para sa budgetary support)

Benjamin Diokno

NAKATAKDANG manghiram ang Philippine government ng panibagong P540 billion sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang halaga ay gagamitin para sa budgetary support kung saan nahaharap ang bansa sa fiscal deficit dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa isang virtual briefing ay sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na inaprubahan na ng Monetary Board ang borrowing program noong nakaraang linggo.

“We recently gave them, extended our arrangement with them, P540 billion. We just renewed the assistance to the government,” ani Diokno.

Nauna nang inaprubahan ng BSP ang dalawang loans na nagkakahalaga ng tig-P540 billion sa  national government — isa noong Disyembre 2020, at ang isa pa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Nagpahiram din ang central bank ng P300 billion sa gobyerno sa pamamagitan ng securities noong Marso 2020.

“They paid the P540 billion, now they are asking for a renewal and we have, the Monetary Board has approved it last week,” dagdag ni Diokno.

Comments are closed.