P55-B SAP 2 CASH AID NAIPAMAHAGI NA SA 8.4 PAMILYA

DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista

UMABOT na sa 8,405,298 low-income families ang napagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency subsidies sa ilalim ng  social amelioration program ng pamahalaan.

Batay sa datos, hanggang noong Hulyo 30, ang nasabing mga pamilya ay tumanggap ng kabuuang P55.1 billion.

Naunang inanunsiyo ni DSWD Secretary Rolando Bautista na target nilang makumpleto ang pamamahagi ng second wave ng cash aid sa 17 million beneficiaries, kabilang ang ‘waitlisted’ recipients sa katapusan ng Hulyo,

Gayunman ay sinabi niya na ang pamamahagi ng cash assistance ay maaaring umabot hanggang Agosto 15 para sa mga benepisyaryo na naninirahan sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs), conflict-affected areas, at sa mga lugar na walang payout partners ang financial service providers (FSPs).

“Most of the qualified beneficiaries are located in these areas,” sabi ni Irene Dumlao, DSWD spokesperson.

Noong Hunyo 30 ay lumagda ang DSWD sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Land Bank of the Philippines (LBP) at sa anim na financial service providers na inirekomenda ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP) – GCash, RCBC, Robinsons Bank, PayMaya, Starpay, at Unionbank – para sa digital payment.

Nagbigay-daan ito para sa mas ligtas at mas mabilis na transaksiyon kumpara sa distribusyon ng first batch ng SAP.

Ang mga lugar na sakop ng pamamahagi ng SAP 2 ay ang Benguet, Pangasinan, Region III (maliban sa Aurora Province), National Capital Region (NCR), Region IV-A (Calabarzon), Albay Province, Iloilo, Bacolod City, Cebu Province, Zamboanga City at Davao City.    PNA

Comments are closed.